Manuel Villar, podcast interview transcript, part 1
INQUIRER.net
Editor's Note: What follows is the first part of a preliminary transcript of the Eleksyon2007 podcast interview with senatorial candidate Manuel Villar.
JV Rufino : Our guest for this podcast is Senate President Manuel Villar. Villar is running for re-election as an Independent.
Welcome to the show, senator.
Manuel Villar : Well, nais kong batiin ang ating mga tagapakinig.
Thea Alberto : Brief and simple. Ok, sir, first question: Given the cost of campaigning and the lack of immediate [effect] legislation has on running a country, why seek re-election?
Manuel Villar : Again, again?
Thea Alberto : Given the cost of campaigning and the lack of immediate [effect] legislation has on running a country, why seek for re-election?
Manuel Villar : Alam mo, after a while ay hindi naman puro pera lamang 'yan. Gusto mo rin naman na somehow yung ipagpatuloy yung iyong nasimulan na. Maraming consideration yun kasi ang pagiging senador eh, no? Kung senador ka na, nakakahiya namang matalo ka.
Number two, siyempre marami ka pa ring programa na gusto mong ituloy, na at least kung mawawala ka na sa mundo, ay may maiiwan ka. Dun naman sa gastos, eh uubusin lang ng mga manugang mo 'yan eh. Ikaw na lang umubos.
Thea Alberto : Sir, what would you still like to achieve, which you think you have not accomplished in your previous term/
Manuel Villar : Well, hindi naman natatapos 'yan eh. Bawat taon, mayroon kang iniisip na gawin and then nagbabago 'yun depende kung nagawa mo 'yung binalak mong gawin. Like ako, naging Senator President nitong last year.
Nakita ko na malaki pala ang nagagawang tulong ng Senado sa kaunlaran ng bansa. Normally, ang Senado, in the last 10 years, ay nakakapagpasa ng apatnapung panukala taon taon. Nuong ako'y maging pangulo, nakapag-pasa kami ng one hundred sixty four at natutuwa naman ako dahil napakarami naming bills na na-approve.
And nagawa namin 'yung hirap, yung sinasabi nilang hindi pwede na tuloy ang imbestigasyon pero para mahanap yung mga katotohanan, pero hindi magiging abala kami sa kaunlaran sa pamamagitan ng pagpasa ng iba't ibang mga panukala. Lahat halos ng mga bills na ekonomiya ay aming pinasa. Kaya palagay ko nangunguna Senado sa pagtulak ng ekonomiya ngayon at pagtaas ng antas ng kabuhayan.
Kaya ngayon, nag re-election ako, naisip ko na ituloy 'yan. In fact, ang tingin ko sa ekonomiya, bagamat medyo masigla rin naman, hindi naman kasamaan, nagkukulang sa paggawa ng mga hanapbuhay. Marami sa mga sektor na umuunlad ay ang mga sektor na wala masyado naibibigay na hanapbuhay. Kaya wala pa rin mahanap na trabaho yung ating mga kabataan. Marami pa ring lumalabas ng bansa.
Pangalawa, 'yung sa larangan ng pabahay, mura interest ngayon at nanghihinayang naman ako na hindi nagagamit ito para magkaroon ng higit na maraming pabahay ang mga mahihirap.
At pangatlo, wala namang tigil 'yung ating pag-hahangad o hangarin na mabago 'yung pag-iisip ng ating mga kababayan tungkol sa pagsasarili. Naniniwala ako na ang kaunlaran natin ay dun pa rin manggagaling sa, 'yung karamihan ng ating mga nagsasariling kababayan eh matulungan ng ating pamahalaan para makapag-sarili.
Maging maliliit na negosyo. Pag dumami ang maliliit na negosyo, magkakaroon tayo ng masiglang ekonomiya, madidiretso pa 'yung benepisyo sa higit na nakakaraming mga Filipino. Kasi 'yung sistema natin ngayon na bagamat tumataas ang ekonomiya ng konti, ay matagal bago mararamdaman 'yan.
Itong ganitong klaseng pagsigla na ekonomiya, mas mabilis mararamdaman ng higit na nakakaraming Pilipino. Ito's itutuloy natin. Hindi ko pa rin sigurado kung anim na taon ay sapat para magawa natin 'yan pero ganyan talaga ang buhay e. Hindi naman lahat ng papangarapin mo e matutupad mo. Pero at least, masasabi mo pag retiro mo, na ginawa mo 'yung magagawa mo. Ginawa mo lahat para matupad 'yung iyong mga hangarin.
Thea Alberto : Sir, if ever re-elected, how will you define the first three years?
Manuel Villar : Well siyempre, bilang pangulo ng Senado, 'yun muna ang ating titignan, kung magiging pangulo pa rin tayo ng Senado. Mas madaling kasing maimpluwensiya ang mga direksyon, kung saan ang direksyon natin sa ating gobyerno at ekonomiya, kung tayo'y pangulo ng Senado.
Kung hindi naman, siyempre, iba namang klaseng programa ang gagawin mo. Kung ako'y papalarin pa ring maging pangulo ng Senado, ay palagay ko dun sa mga sinabi kong objectives o adhikain ang aking itutulak.
Marami akong nakikita eh. Kasi nakita ko nuon, nung una akong senador, parang nakikita ko na naisip ko na mahirap magpasa ng panukala sa Senado, pero nung ako’y maging pangulo, pwede naman pala. Basta desidido ka lang. Pwede naman palang magpasa at dito nakikita ko na basta maging responsive ang Senado sa business sector, at sa mga pangangailangan nung karamihan ng ating mga mamamayan, e malaki na ang magagawa.
First three years lang, palagay ko sapat na 'yan e. Marami ng magagawa d'yan.
Thea Alberto : Sir, something light. Bakit parang orange lagi ang ating suot?
Manuel Villar : Well, ito ang una kong kulay nung una kong kumandidato ko, nung ‘92 ito ang ating kulay, at naiisip kong ito uli at siguro sabi ng mga akong mga kasamahan, eh tinitignan nila 'yung iba't-iba kong t-shirt, eh dito siguro mas pogi tayo. [laughs]
Thea Alberto : Mas nakakaputi ba, sir?
Manuel Villar : Hindi naman. Nakaka-attract ng atensyon. Kasi alam mo naman siyempre, pagka hindi na naman kilala, pagka kinakawayan mo, at least kung naka orange ka, sasabihin nila, kandidato ka siguro dahil wala naman nag-oorange normally. Kung di lang kandidato o supporter ng kandidato o talagang mahilig sa makulay na suot.
Thea Alberto : 'Yung lang sir. Thank you very much.
Joel Guinto: Sir, ako po si Joel Guinto. I cover the defense beat for INQUIRER.net.
Manuel Villar : Hello.
Joel Guinto: Sir, aside from the thirty point two million pesos (P30.2M) na you reportedly spent for TV ads, how much more do you intend to spend?
Manuel Villar : Basta, well, may limit ang Comelec, so kailangan sundin natin 'yang limit ng Comelec. So 'yun ang limit.
Joel Guinto: Tama ba 'yung figure na 'yun sir? Thirty point two million? (30.2M)
Manuel Villar : Kasi alam mo pagka ganyan, hindi ka nag-a-accounting eh. Kasi baka araw araw, iinit lamang ang ulo mo, kaya saka mo na lang susumahin 'yan pag tapos na eleksyon, para isang init ng ulo na lang.
Joel Guinto: Sir, nung ano, the last time you ran, magkano nagastos n'yo, sir?
Manuel Villar : Actually, hindi ko na rin nasusundan, eh. kasi pag talaga, totoo 'yun, akala ng lahat eh ikaw e nag-aacounting ng ganyan, pero, ang totoo n'yan eh marami ka ring gagastos na hindi mo narerecord o ni hindi mo na nalalaman, dahil may mga kontribusyon ka din naman, eh. Minsan, yung mga kontribusyon mo, hindi na dumadaan sa 'yo. Minsan may mga discount ka. So hindi mo na rin talaga alam ang talagang total na magagastos mo.
Joel Guinto: Sir, part ba ng strategy mo 'yung mas mag-concentrate on political advertisement?
Manuel Villar : Well, andyan talaga ang kinabukasan. 'Yun ang future, wala tayong magagawa dyan. Yung mga ibang style, passé na 'yun, eh. Talagang…kasi nung araw, wala naman 'yan, hindi allowed 'yan. Tapos last elections, sobra sobra nga ang pagkakaallow nila last elections.
Medyo nga ngayon e nilimitahan nila. Pero 'yan na talaga, kasi padami ng padami ang mga Filipino at hindi na--imposible na maski mga mangamay ka araw-araw, at kami nagkakamay pa rain kami araw-araw, umiikot pa rin kami, subalit nakikita mo sa mga habang tumatagal ang panahon, na talagang hindi mo na maaabot lahat at kinakailang ay advertising.
So, iyang mga communication medium na 'yan, iyan ang mga sa darating na panahon magiging mas gamit. Halimbawa, 'yang Internet, 'yang cellphone, 'yang radio, TV. 'Yan na lahat.
Joel Guinto: Sir, nabangit mo ang Internet and cell phones. May plans ba, sir, to use this [in your campaign]?
Manuel Villar : Well, hindi ko pa alam, eh, kung gagamit kami n'yan. Hindi ako masyado mahilig sa cellphone. Kasi sa 'kin pagka--hindi ako masyado mabilis sasagot sa telepono, eh. Matagal ako sumagot. Kaya titignan ko muna. Magtatanong tayo. Kasi may mga adviser naman tayo. Pagka gusto nilang gumamit ng cell phones, gagamit din tayo d'yan.
Joel Guinto: Sir, si ano po, si former senator [Ernesto] Maceda from GO [Genuine Opposition], sabi n'ya, kayo daw po ang dapat sisihin kaya may falling out between the Genuine Opposition and si Senator [Francis] Pangilinan.
Manuel Villar : Alam mo, si manong Ernie naman ay iginagalang natin at hindi naman ako nakikipag-away kanino man. E alam mo ang mga ganyan e, lilipas din 'yan at mabuti na wag mo na lamang ako komentahan. Basta ako ay, tuloy ang kampanya ko, wala naman akong inaabalang tao at hindi ko naman inaasahan maabala rin.
Joel Guinto: Sir, on your part, meron ba kayong efforts para mapa-attend si Senator Pangilinan dun sa mga rallies ng GO, specially sa Plaza Miranda. Did you try to convince…?
Manuel Villar : Wala naman, dahil sa sa aking palagay ay malaki na 'yung mama, alam na nya ginagawa n'ya.
Joel Guinto: Sir, can we expect you dun sa mga future sorties ng GO?
Manuel Villar : Hindi naman kasi ang naniniwala na sa mga ganun eh, na style of campaigning, at yan ay sinabi ko na sa kanila nuon pa. Na mas type ko talaga 'yung mas systematic na lang at gawin na lamang 'yung inaakala ko na mas effective, para mas marami ako marating na ating mga kababayan para mailahad ko sa kanila 'yung aking mga plataporma at mga ideas, at mas maraming makarinig sa aking mga idea at mga plano.
Pag kasi masyado marami kayong gumagalaw, halos hindi ka na napapansin din at hindi na naririnig ang iyong mga gagawin. Kaya sa akin, mas maganda na 'tong aking ginagawa at siyempre kanya kanya namang opinyon yan. Hindi naman sa ayaw ko silang makasama, actually gusto ko rin, eh.
In fact, mga kaibigan natin lahat 'yan at mga iginagalang natin, pawang magagaling ang mga kandidato na 'yan at isang malaking karangalan sa akin na makasama sila. Nga lamang ay naniniwala ako na mas effective itong paraan na ito ng pagkampanya.
Joel Guinto: So, we can expect more political ads?
Manuel Villar : May limitasyon nga, merong time limit, at wala kang magagawa kundi sumunod sa limit na 'yan. Yun naming--may nasabi yung nagagastos, alam mo, timing timing rin 'yan, ano. Siyempre, strategy 'yan. Yung iba, gustong gastusin lahat nung kanila oras, sa first month, yung iba sa second month, yung iba sa third month, ung iba first and third, yung iba second and third, yung iba lahat sa third, yung iba lahat naman sa first.
So, hindi rin tama 'yung after two weeks, imo-monitor mo kung sino yung leader sa spending and hindi rin tama ‘yon kasi nasa strategy 'yan. Maaaring dalawang buwan mo na mino-monitor, wala pang ginagastos 'yung isang kandidato, 'yun pala ang balak nya ibuhos lahat sa last month.
So, hindi rin talaga meaningful yung ganung klaseng analysis sa expenses.
Joel Guinto: Thank you, sir.
Manuel Villar : You're welcome.
Veronica Uy: Magandang araw po Senador.
Manuel Villar : Magandang araw naman.
Veronica Uy: Itatanong ko lang po, yung kampanya nyo po, parang nakasentro sa sipag at tiyaga. Tingin nyo po ba 'yun ang [dahilan] - ang patuloy ng pagiging mahirap ng mga Pilipinas ay hindi masipag at hindi matiyaga ang Filipino.
Manuel Villar : Maaring kulang, maaring kulang sa sipag at tyaga. At saka mahirap mo sabihin sa buong Pilipinas na ang nasasabi ko lang ay isa yan sa malaking kadahilanan. Kaya lang siyempre, kapag ka meron kang mensahe, mas maganda 'yung ang mensahe mo ay isa lang o dalawa. Hindi pwede yung ang mensahe mo, halimbawa, para pagtagumpay ka, kailangan ikaw eh labindalawa sasabihin mo. Eh malilito na 'yung tao.
Ang message, kailangan, isa dalawa. Pinakamarami na ang tatlo, para madali matandaan at madeliver mo talaga sa dapat maka deliveran.
Ang sa 'kin, sa buhay ko, ay iyon talaga ang aking dinanas, talaga namang, kagaya nga nun nasa advertisement ko, pinanganak naman talaga kami sa squatter sa Tondo, at 'yan ay hindi naman, 'yan ay katotohanan 'yan sa Sta. Maria, Moriones. Yung iba nga gustong check-in e, actually hanggang ngayon ay binibili ko pa 'yung lupa na kinatitirikan ng bahay namin, although medyo nagbago na itsura.
Pero siyam kaming magkakapatid, ako ang pinakamatanda sa lalaki, kaya ako ang kasama ng aking nanay nagtitinda sa palengke sa edad na labing isang taong gulang. Nagtitinda kami ng hipon hanggang makatapos ng kolehiyo.
Yan ang ginawa ko naman nun, kaya parang gusto ko rin ipakita, kasi napuna ko dun sa Divisoria na somehow yung mga kasamahan ko na masisipag at matitiyaga, karamihan ha, hindi lahat, meron talagang malas e, karamihan ay nag-succeed naman. Kaya nakikita ko na malaking bagay 'yan at kung meron mang kakulangan ay 'yan ang makakapuno.
Yung iba kasi and sabi nila, nag try naman sila, kaya nga may tiyaga eh, kaya nga pag nagtry ka minsan, hindi mo nakuha, mag try ka uli, pangalawa. Kung hindi makuha, pangatlo, pang-apat, panglima. Magtiyaga ka lang. Persistent ka dapat.
Veronica Uy: Pero meron po bang mga polisiya ang pamahalaan na tingin nyo ay makakatulong sa entrepreneurship.
Manuel Villar : Ang tingin ko, kalimutan mo na ang pamahalaan e, at kung talagang gusto mong magtagumpay sa hanap buhay, sa pagsasarili, you have to do it despite the government, not because of the government. Pagka hinintay mo ang gobyerno, baka hind na dumating e. matatagalan, mahihirapan ka lamang.
Well, kami, I think on the part of the government, we should always try, in fact yun nga ang gusto kong gawin. Pero my personal advice dun sa mga mismong entrepreneur e gawin mo na, kalimutan mo muna ng gobyerno.
Ngayon, sa gobyerno naman, kahit papaano, e pilitin nating makatulong. Magkaroon ng mga programa para makautang sila, pero iyan ay hindi magiging pangunahing dahilan. Ang pangunahing dahilan pa rin ay nasasa-tao.
Nakikita ka 'yan nung ako kasi ay maging sa palengke, nakita ko na malaking diperensya eh, parang maaga tayong umaatras na Filipino at pagka nag graduate na sa…yungh ating mga anak, pag nagtapos na, tayo ay ano na kaagad e, gusto na nating mag retire, hindi natin parang gusto palakihin 'yung ating maliit na negosyo.
Kulang ang ambisyon din sa ano, karamihan. Hindi lahat, marami ring nag-aambisyon na Pinoy, hindi ko sinasabi na ito'y lahat, no. Marami ring nakikita ko na talagang nahihirapan din. Subalit, sana kung ma-encourage natin ang mas nakakarami, marami kasing naniniwala na kailangan Chinese ka muna, kailangang Japanese ka, kailagan American ka, kailangan Kastila, pero tingin nila, Filipino, dapat maging empleyado lamang.
And kaya tayo we have become a nation of employees, and somehow, nakikita ko na siguro dala ito ng tatlong daang taong nasa Kastila tayo, na ang paniniwala natin ay tayo ay talagang maninilbihan na lang. Kaya we like to serve and we like to be employed. Hindi natin nadevelop 'yung kultura ng pagsasarili. 'Yan ang gusto kong baguhin na kultura.
Copyright 2009 INQUIRER.net and content partners. All rights reserved. This material may not be published, broadcast, rewritten or redistributed.
TALLIES
| Escudero, Francis Joseph (GO) | 1,530,337 |
|---|---|
| Legarda, Loren (GO) | 1,445,355 |
| Aquino, Benigno Simeon III (GO) | 1,427,372 |
| Lacson, Panfilo (GO) | 1,315,961 |
| Pangilinan, Francis (IND) | 1,270,851 |
| Villar, Manuel Jr (GO) | 1,267,929 |
| Cayetano, Alan Peter (GO) | 1,097,065 |
| Arroyo, Joker (TU) | 1,046,152 |
| Angara, Edgardo (TU) | 999,396 |
| Trillanes, Antonio IV (GO) | 980,643 |
| Recto, Ralph (TU) | 971,250 |
| Zubiri, Juan Miguel (TU) | 957,930 |
| Legarda, Loren (GO) | 14,161,803 |
|---|---|
| Escudero, Francis Joseph (GO) | 13,919,444 |
| Lacson, Panfilo (GO) | 12,027,067 |
| Villar, Manuel Jr (GO) | 11,674,064 |
| Aquino, Benigno Simeon III (GO) | 11,107,999 |
| Pangilinan, Francis (IND) | 11,092,665 |
| Angara, Edgardo (TU) | 9,689,358 |
| Cayetano, Alan Peter (GO) | 9,030,748 |
| Honasan, Gregorio (IND) | 9,013,231 |
| Arroyo, Joker (TU) | 8,977,075 |
| Trillanes, Antonio IV (GO) | 8,710,648 |
| Pimentel, Aquilino III (GO) | 8,449,279 |
| Legarda, Loren (GO) | 18,352,290 |
|---|---|
| Escudero, Francis Joseph (GO) | 18,095,757 |
| Lacson, Panfilo (GO) | 15,442,480 |
| Villar, Manuel Jr (GO) | 15,192,880 |
| Pangilinan, Francis (IND) | 14,415,704 |
| Aquino, Benigno Simeon III (GO) | 14,234,979 |
| Angara, Edgardo (TU) | 12,404,138 |
| Cayetano, Allan Peter (GO) | 11,736,410 |
| Arroyo, Joker (TU) | 11,550,655 |
| Honasan, Gregorio (IND) | 11,487,784 |
| Trillanes, Antonio IV (GO) | 11,138,067 |
| Pimentel, Aquilino III (GO) | 10,865,397 |
Breaking News
- 03:30PM: Wounded East Timor president Horta airlifted to Australia
- 03:25PM: Bayan seeks independent probe of rail projects
- 03:21PM: Be ‘loyal, faithful,’ Army general urges comrades
- 03:04PM: Cancellations, delays at Paris airports due to strike
- 02:58PM: CBCP asked to support anti-Arroyo protests
- 02:55PM: (UPDATE 9) Lozada not kidnapped--gov’t officials
- 02:26PM: Gov’t posts P9.4B budget deficit in 2007, lowest in 10 years
- 02:14PM: Ombudsman forms panel to probe complaints on NBN deal
- 02:11PM: Clinton momentum stalls as Obama speeds
- 02:09PM: Solon seeks lower age of liability for child offender
- 02:07PM: 3 dead, 10 hurt as truck rams into house in Roxas
- 01:25PM: Australia sending more troops to East Timor--Rudd





