
Ni Paulina Flores-Bautista
Guhit ni Joanne de Leon

Sapatos, sapatos tinatapak-tapakan kung saan-saan.
Sapatos, sapatos aalis kung saan iutos iya’y
walang-paltos.
Sapatos, sapatos sulong nang sulong kung saan
paparoon.
Sapatos, sapatos sunod nang sunod kahit napapagod.
Sapatos, sapatos linisin o hindi depende sa
may-ari.

Bakya, bakya kelan mauuuso kaya? Iya’y Pinoy na
Pinoy Sapin na may "Hoy! Hoy!"
Bakya, bakya Sapin na pangmasa Murang-mura ang
pagpasa presyo’y baryang-barya.
Bakya, bakya alam mong may darating dahil sa
tok-tok-aliling na ingay ang dating.
Bakya, bakya kung suot mo’y bakya mapapasayaw ka
kaya? Paa’y di ikahihiya.

Dalawang pares ng tsinelas sa tabi ng katre ‘sang pares e
sa babae ‘sang pares e sa lalaki tanda na ang mag-asawa’y Wala, wala,
walang-away.
Dalawang pares ng tsinelas Sa tabi ng tig-isang
katre ‘sang pares e sa batang lalaki ‘sang pares e sa tin-edger na
lalaki magkapatid na lalaki sabay lumalaki.
Sa tsinelas Namamalas pamilya’y buo Hanggang mundo’y
gumuho.

Zapatilya, zapatilya bagay sa sedang paa ng dalaga, suot
ay baro’t saya o magarang Maria Clara.
Zapatilya, zapatilya bagay sa araw ng piyesta kung
sumasayaw sa parada sabay-tugtog ng banda at sa duloy may Reyna.
Zapatilya, zapatilya suot ng Reyna Elena at mga
sagala kaakbay ay Constantino sa Sta. Cruz de Mayo.
|