HOME
NEWS
BUSINESS
STOCKS
LIFESTYLE
SPORTS
OPINION
pointer FEATURES
COMICS
pointer SUNDAY MAGAZINE
pointer 2BU
JUNIOR
INQUIRER
INFOTECH
SATURDAY
SPECIAL
JOBMARKET
CLASSIFIED
ASSETS
CEBU DAILY NEWS

SEARCH

CHAT
PREVIOUS ISSUES
NEWSBOY
FEEDBACK
CROSSWORD
PUZZLE
TRIVIA
SUBSCRIBE


 

POETRY
Guhit ni Joanne de Leon

Ina sa Anak
By Yoradyl P. Leobrera


Sa pagdaan ng mga araw
Pag-iisip ay nadadagdagan
Tama o mali, ating naiintindihan
Lalu na't sa tulong ng Poong Maykapal

Nagbigay buhay sa ating mga nilalang
Mula sa pagkabata at maging sa pagtanda
Kapiling natin and ating butihing ina,
Sa hirap o mapa sa saya.

Bumasa, sumulat, ating natutunan
Sa kanilang talino ating naiintindihan
Unang guro na nagpasensiya sa kanilang anak,
Na napakakulit at sobra sa kalikutan.

Nagpaparaya, nagbibigay
Kung anong mayroon siya, sa anak ay babagsak
Kakayanin lahat
Para lang sa kanyang anak.

Buhay ina talagang napakahirap!
Lahat ay gagawin upang tayo'y mapagsilbihan
Kami'y nagpapasalamat sa inyong mabuting asal,
Lalu na ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak.

Si Yora ay nag-aaral sa Nazareth School.

Silid-aklatan
Ni Luis G. Asuncion


Parang kanina lang na ako'y isang mangmang
sa mga pinakabagong impormasyong
taglay ng isang silid-aklatan
na punong-puno ng mga kaalaman.

Bawa't lakad tungo sa silid-aklatan
ay isang hakbang tungo sa kaunlaran
na kailanma'y hindi tayo mawawalan
ng 'sang kayamanan sa ating isipan.

Di ka man nakatuntong sa eskuwelahan
basta't nasulyap mo man lang, silid-aklatan
ang iyong mundo'y makukulayan
tulad ng bahaghari'y sa dulo ay may kayamanan.

Ngunit mag-iingat ka rin sa iyong pagbabasa
hindi lahat ng aklat ay may mabuting mapapala
baka matagpuan mo'y aklat ng kalagiman
at matulad ka sa mga taong naghahasik ng kasamaan.

Si Luis ay isang librarian sa Diliman Preparatory School.

Si Joanne ay miyembro ng Ang Ilustrador ng Kabataan.

 
June 17, 2000

Club-A-Dub-Dub

Tired of News

Animé overload

The Elephant with a Paper-Bag over Its Head

POETRY