HOME
NEWS
BUSINESS
STOCKS
LIFESTYLE
SPORTS
OPINION
FEATURES
COMICS
pointer WEATHER
pointer SUNDAY MAGAZINE
pointer 2BU
JUNIOR
INQUIRER
INFOTECH
SATURDAY
SPECIAL
JOBMARKET
CLASSIFIED
ASSETS

SEARCH

CHAT
PREVIOUS ISSUES
NEWSBOY
FEEDBACK
CROSSWORD
PUZZLE
TRIVIA
SUBSCRIBE


 

Dalawang Tula

Junior Inquirer
Ni Minnehaha V. Capco
Guhit ni Joanne de Leon

May isang babasahin
na pambata at pang-matanda
Punong-puno ito ng mga aral
at mabubuting balita,
At dahil dito nakalimutan ko ang magulong mundong tinatayuan ko,
m25po2.jpg Dahil sa Junior Inquirer
na talagang pang Pilipino!
Maliit man itong bagay,
malaki ang nagagawa,
Nagbibigay aral
at nagpapasaya ng mga bata
At ngayong wala nang katahimikan ang mundong ginagalawan ko,
Mga trahedya, awayang pulitika ang nababasa ko sa diyaryo
Hay salamat, at may isang matinong bagay,
Junior Inquirer
ang aking palagay.

Si Minnehaha, 12, ay nakatira sa Pateros, Metro Manila.
Si Joanne ay ilustrador ng marami nang mga librong pambata. Siya ay miyembro ng Ang Ilustrador ng Kabataan.




Buhay Tindera
Ni Jessiere Alitao
Guhit ni Jason Moss

m25po1b.jpg Ang buhay tindera ay masaya
Kung marunong kang makisama
Palabirong mga kasama hatid ay ligaya
Yan ang buhay ng isang tindera.
O! mga Ale bili na kayo
Libre halukay, libre kalaykay huwag lang itatangay
Sabi ng isang kapitbahay.
Kahit na pagod buong maghapon
Kapayapaan at katiwasayan ng isipan ay naroon
Pagkat uuwi na pagdating ng dapithapon.
Galing sa trabaho ay nakakapagod
Pero 'pag mga kaibigan mo'y nariyan
Wala kang pagod na maramdaman.
Buhay naming tindera ay may "thrill"
Lalo na pag buyer mo'y maraming peso bills
Lahat ng problema mo'y mawawala
Sapagkat ika'y tawa ng tawa
Ingat-ingat lang baka ika'y kabagan
Yan ang dapat mong abangan!

Si Jessiere ay nagmula sa Bacolod City.
Si Jason ay nagtuturo sa Ateneo de Manila University. Siya ay miyembro ng Ang Ilustrador ng Kabataan.

 
March 25, 2000

Yeast Don't Make
Good Pellets

The Reluctant 'Kuya'

Enjoying Chinese
New Year

Picasso's First Flight

Dalawang Tula