|
Ito ang sabi ng matatanda sa baryo nina Tintoy. Ayon sa kanila, maaari raw magkasakit ang mga batang naliligo kapag Martes. Dahil sa paniniwalang ito, hindi pinapayagan ang mga bata na maligo sa nabanggit na araw. Minsa'y tinanong ni Tintoy ang kaniyang Nanay kung bakit ganoon ang paniwala sa kanilang lugar. "Hindi ko alam anak," ang sagot ng kaniyang Nanay. "Iyon ang sabi ng matatanda. Wala naman sigurong masama kung susundin natin."
"Kasi anak, kapag malaki na ang isang tao, lumalakas na ang kaniyang katawan. Ito ang dahilan kung bakit hindi kami nagkakasakit kahit naliligo kami ng Martes." "Kung gayon Inay, kailan ako maaaring maligo kapag Martes?" "Siguro, pagdating mo ng ikaapat na baitang. Sampung taong gulang ka na pagdating ng panahong iyon." Ikaapat na baitang. Ibig sabihin, dalawang taon pa bago payagan ng kaniyang Nanay si Tintoy na maligo kapag Martes. Ibig sabihin din nito, dalawang taon pa siyang magtitiis sa panunukso ng kaniyang mga kamag-aral at kalaro mula sa kabilang baryo. Sariwa pa sa isip ni Tintoy ang nangyari dalawang linggo na ang nakararaan. Paparating pa lamang siya sa paaaralan noon nang kaniyang marinig ang tawanan ng kaniyang mga kaklase. "Ilabas na ninyo ang inyong mga panyo. Paparating na si Tintoy!" sigaw nila. Martes noon at alam ng lahat na hindi naligo si Tintoy. Hindi na sana papansinin ni Tintoy ang kaniyang mga kamag-aral, ngunit sinusundan siya ng mga ito at patuloy na tinutukso. "Tintoy, anong araw ngayon?" tanong nila. "Martes ngayon at hindi ako naligo!" pasigaw na sagot ni Tintoy. Nagulat ang mga bata. Ilang taon na nilang tinutukso si Tintoy ngunit noon lamang siya nagalit sa kanila. Hindi na tumuloy sa pagpasok sa klase si Tintoy noong araw na iyon. Masamang-masama ang kaniyang loob! Umiiyak siya habang tumatakbo nang hindi alam ang patutunguhan. "Kasalanan ito ng matatanda sa amin,"naisip niya. Sinisi rin niya ang kaniyang Inay dahil naniniwala ito sa sabi-sabi ng matatanda.
Pagdating sa bahay, pinakiramdaman ni Tintoy ang sarili. Kinakabahan siyang baka siya magkasakit. Ngunit lumipas ang magdamag at hindi nagkasakit si Tintoy. Bagkus, gumaan pa nga ang kaniyang pakiramdam. Sa kaniyang pagpasok sa paaralan kinaumagahan, nagtaka si Tintoy kung bakit hindi siya tinutukso ng kaniyang mga kamag-aral. Pag-upo niya sa kanilang silid-aralan, agad siyang tinabihan ni Igme, ang matalik niyang kaibigan. Lingid kay Tintoy, mayroon pala siyang kalaro na nakakita sa kanya habang naliligo sa ilog. Agad nitong isinalaysay ang nakita sa mga kamag-aral ni Tintoy. "Huwag ka na sanang magagalit sa mga nanunukso sa iyo dati," hiling ni Igme. "Humihingi na sila ng paumanhin sa ginawa nila." "Hindi na ako galit sa kanila," sagot ni Tintoy. "Ngunit hihilingin ko sana na payagan mo akong makiligo sa inyo tuwing Martes ng umaga." Agad na pumayag si Igme. Mula noon, dumaraan na si Tintoy sa bahay nina Igme tuwing Martes ng umaga upang makiligo. Napatunayan ni Tintoy na hindi pala totoo ang kasabihan tungkol sa paliligo ng mga bata kapag Martes. Subalit hindi niya sinabi sa kaniyang Inay ang kaniyang nalaman. Mananatili ito bilang kanilang lihim ni Igme at ng kaniyang iba pang kamag-aral. Si Godfrey, 25 taong gulang, ay nagtapos ng political science sa University of the Philippines sa Diliman. Siya ay staff writer ng Student's Digest Magazine.
Si Joanne ay ilustrador ng maraming aklat na pambata
katulad ng "Tiger on the Wall," "The Termite Queen
and Other Philippine Earth Tales" at "Madyik Banig."
Siya ay miyembro ng Ang Ilustrador ng Kabataan.
|
November 20, 1999
You Have Rights
Ang Lihim ni Tintoy
|