|
|
Mga Tulang Laro
Ni Genaro R. Gojo Cruz
Guhit ni Joanne de Leon
Piko
Linyang nasa lupa.
Na di dapat matapakan
Upang di mataya.
Luksong Tink
Hinlalaki kadugtong ay hinliliit.
Matayog
Hanggang sirain ng paa ang matayog
na kamay.
Pitik-Bulag
Walang maaninag, kung hindi dilim.
Pipitikin.
Hanggang tumabad sa paningin
Ang bilang
Na pinahulaan sa isipang may panimdim.
Taguan
Sa bisig ng matandang puno
nagkubli.
Habang naghahanap ang taya,
Lumitaw ang kamisetang puti.
Nakita't nahuling pilit nagkulubli.
Sa punong natutuwa
Sa mga batang maliliksi.
Si Genaro ay dating literary editor
ng The Torch Publications, ang opisyal na pahayagang pangkampus
ng Philippine Normal University. Ang ilan sa kaniyang mga tula
ay nalathala sa Liwayway at Free Press magazines.
Si Joanne ay isang premyadong ilustrador
ng maraming aklat na pambata. Siya ay miyembro ng Ang Ilustrador
ng Kabataan.
|
|
September 23, 2000
Tooned!
My Little Sister,
My Biggest Fan
Mga Tulang Laro
Splish,Splash,Swoosh
|